Wednesday 3 February 2021

Dahilan kung bakit madaming mahirap

 



DAHILAN KUNG BAKIT MARAMING MAHIRAP 


Bakit ang daming mahihirap? Bakit nga ba tayo nagtatrabaho para sa pera? Naisip mo na ba yan? Bakit yung mayayaman naman lalo silang yumayaman?

"Kasalanan kasi ng gobyerno!" "Corrupt kasi ang mga pulitiko." "Pinanganak na akong mahirap, mamamatay din akong mahirap" "Swerte-swerte lang ang pagyaman." "Hindi kasi ako nakapagtapos ng pag-aaral." "Bulok kasi ang sistema ng Pilipinas."

At kung ano-ano pang dahilan at rason nating mga Pilipino kung bakit ba tayo naghihirap. Madalas sa atin ay sinisisi yung mga bagay at tao sa paligid natin, pero nakakalimutan ata natin ang ating sarili na may parte tayo kung bakit ganito ang kalagayan natin.


Laging tatandaan na kapag may itinuro tayong bagay, isang daliri lang ang nakatutok don at apat/tatlong daliri ang nakatutok pabalik sa atin.


Kilala mo ba yung mga taong mayayaman dito sa Pilipinas na alam naman nating nagmula lang din sa hirap? From rags to riches ika nga. Hindi ko na sila papangalanan pa, pero nais ko lang ipabatid sa ating lahat ang pinagkapareho nilang lahat bukod sa sila ay mayayaman:


Hindi nila binuhos ang buong buhay nila sa pagrereklamo na lang. Hindi nila ginawang magdahilan. Gumawa sila ng mga paraan kahit gaano pa yan kahirap o kahit gaano pa katagal ang aabutin, hindi sila gumawa ng excuses.


Ang problema kasi sa karamihan ng Pilipino, may Juan Tamad na pag-iisip. Gusto instant agad. Gusto madali lang ang lahat. Gusto makuha agad yung inaasam nila. Pero once na danasin na yung hirap para makuha yung gusto, sumusuko agad, magdadahilan na "Hindi ito para sa akin." o kaya "May mas maganda pang darating, maghihintay na lang muna ako." Hanggang sa lumipas at lumipas ang mga taon, ganun pa din ang kalagayan at takbo ng pag-iisip o mindset.


Hindi sila umaasa sa swerte. Hindi sila nangangarap at nagdadasal lang sa tabi na "Sana yumaman ako." Kasi alam nila na hindi ganun kadali at walang mangyayari kung wala silang gagawin.


Ito rin ang hindi ko maintindihan sa ating mga Pilipino. Bakit mahilig umasa sa swerte? Nagsusugal o naglolotto? I have nothing against those people na gumagawa nito, pero dun sa act mismo, sa pag-asa lang sa swerte. According to statistics, mas mataas pa ang chance na tamaan tayo ng kidlat kaysa sa tumama yung numbers natin sa MEGA Jackpot sa mga lottery.


Imagine, kung umaasa lang tayo sa swerte, gaano kadami na yung nasayang na pera? What if itinabi mo na lang yan o much better kung ininvest mo somewhere para dumami? Diba hindi pa nasayang? Nakinabang ka pa. Huwag tayong aasa sa instant, kasi baka instant din yang mawawala.


Ito yung the best na character siguro nung mga taong nagmula sa hirap: Lahat sila may fuel para yumaman. Ano yung fuel na yon? Lahat sila may pangarap na gustong matupad.


Oo, lahat tayo may pangarap na gustong matupad. Kaso may kulang kung bakit hindi tayo makaalis-alis sa situation natin. Yung mga successful na taong iyon may actions na ginawa, mostly MASSIVE ACTIONS. Dapat tayong mangarap pero dapat alamin at gawin natin kung ano ba yung mga hakbang na dapat gawin!


Alam mo ba kung gaano ka kalayo sa gusto mo maging, sa gusto mong maabot, o sa gusto mong mangyari? Yung required ACTION. Ganun ka lang kalapit.


Gusto mong malaman yung exact distance kung gaano ka kalayo sa pangarap mo at kung ano yung dapat mong gawin?


Do this:

1) Itaas mo yung dalawa mong hintuturo (index finger).

2) Idikit mo yung dalawang hintuturo mo sa magkabilang sintido (temple) ng ulo mo. Gets?


Now, yung pagitan ng dalawang hintuturo mo na nakadikit sa sintido mo, ayun lang ang distansya. Ano dapat mong gawin?


Ano ba yung nasa pagitan ng mga hintuturo mo habang nakadikit sa sintido mo? Diba utak mo? Iyon ang gamitin mo para magkaroon ng changes sa buhay mo. Gamitin mo utak mo, maraming tao ang hindi na ginagamit ang utak, ayaw mag-isip kung ano yung dapat nilang gawin para magkaroon ng pagbabago sa buhay nila. Ito yung mga tao na tinanggap na yung kalagayan nila, ayaw na nilang gumawa ng paraan.


Wag tayong magtataka kung bakit walang pagbabagong nagaganap kung ang ginagawa naman natin noon ay ginagawa pa din natin hanggang ngayon! Huwag mong asahan na magkakaroon ng bagong resulta sa pagpapaulit-ulit lang ng mga dating ginagawa. Maybe you have a lot of ideas kung ano yung dapat at pwede mong gawin para magkaroon ng changes sa situation mo, ang kulang na lang ay EXECUTION OF ACTIONS. Ayun lang :)


Ngayon ang tanung ipagpapatuloy mo parin ba yang ginagawa mo? gusto mo ba na habang buhay nalang mahirap at  umasa nalang  sa suwerte?


kung gusto mo ng pagbabago sa buhay at makaahon sa hirap ang kailangan mo lang gawin ay humanap ka ng pagkakakitaan na makakatulong sayo at sa pamilya mo at yun ang gusto kong share sayo, meron ginawa ang aming team na isang FREE video tiutorial na kung saan matututunan mo dito kung paano mo magagawang kumita ng extra income kahit nasa bahay ka lang.


kung gusto mo magkaroon ng Access sa FREE video tuitorial na ito ang kailangan mo lang gawin ay i click agad yun link sa ibaba👇


bit.ly/Bussiness4you


i hope madami kang natututunan dito. thank you and God bless!!



No comments:

Post a Comment