Wednesday 3 February 2021

6 Tips para maging successful sa online business



 6 Tip's para maging succesful sa Online business


Maraming nag tatanong, ano daw ba gagawin nila para makapag umpisa at maging successful sila sa online business.  Ito yun mga Tip's na kailangan mo malaman


1. Start – Gusto mong pumasok at magtagumpay sa Online selling business?  Ano pa hinihintay mo pasko? Paano ka makaka-pag umpisa at mag tatagumpay kung ayaw mo namang magsimula. Marami sa mga nagbabalak pumasok sa Online business ang hindi maka pag umpisa kasi ang dami nilang “buts” sa buhay nila.  Tanungin mo lahat na nasa online selling at 80 %- 90% sa kanila ang mag sasabing wala silang idea kung ano ba ang online selling business nung bago lang sila dito.


Yung iba kasi dyan, sasabihin nila gusto ko rin mag online selling, paano ba yan? Kapag sinabi mo na ang gagawin nila, sasabihin naman paano ako mag i start dyan? kapag sinabi mo ano gagawin nila, sasabihin naman paano ba yun, pag sinabi mo kung paano yun, sasabihin naman wala pa akong alam dyan.

Walang katapusang dahilan, gusto nilang alamin lahat bago sila mag umpisa. Which is mali, kung gusto mong mag online selling, start kana agad today wag mo ng hintaying bukas. Kapag naka pag start kana, unti unti ng masasagot yung mga ibang tanong at pagdududa mo. Sa online selling business kasi kailangan mong subukan para malalaman mo kung ano ang tama at mali.


ANO DAPAT ANG GOAL MO SA NASIMULANG NEGOSYO?


2. Goal – Kung dimo alam kung saan ka pupunta, paano mo malalaman kung ano ang tamang direction?  Sa buhay natin, kahit ano pa ang gusto nating tahakin o gawin. Mahalagang alam natin kung ano ang gusto nating marating o makamit. Ang mga mountaineer ang ultimate goal nila lagi is marating ang summit ng bundok na inaakyat nila. Ang mga runner ang ultimate goal nila is makarting sa finish line.  Ang mga studyante gustong maka graduate.

Same principle is applied  in online business ano ba ang goal mo bakit gusto mong pumasok sa internet marketing.  Kapag natutunan mong mag set ng goal, ang tagumpay ay madali nalang abutin, kasi may direction kana, alam mo na kung saan ka pupunta, kailangan mo nalang gumawa ng paraan para marating mo ito.

Ang mga mountaineer, para makarating sila sa summit ng bundok na gusto nilang akyatin, kailangan nilang humakbang patungo sa direction ng summit, gaano man ito kahirap alam nila na bawat hakbang nila ay palapit sila ng palapit dito.

Ganun din sa online business,  gusto mong kumita ng 10,000 a month, then work everyday to reach that goal.  Along the way maraming mga distraction kang ma-eencounter, kaya need mong mag proceed sa 3rd step.


PAANO MAKA FOCUS SA NEGOSYO?


3.  Focus – May mga kakilala ako They start online selling Lahat sila nag sasabi kikita lang ako ng 10,000 pesos a month masaya na ako. Hindi ko na kailangan mag abroad kasi talo ko na mga nasa abroad. So what they did is start a program that they heard from friends or nabasa nila sa internet na proven to work.

Then after a a few weeks or months may nabasa or narinig silang bago, ayon si juan gusto rin subukan kasi sabi ni expert na Joe dun daw sya yumaman.  Si juan kinalimutan yung unang ginagawa kasi gusto nyang yumaman gaya ni Joe, after few weeks or months, narinig nya ulit na si Pedro kumikita na ng 20,000 pesos a month at ang ginagawa ay magbenta ng product. Itong si Juan nainggit, gusto rin nyang mag benta ng product gaya ni Pedro, kinalimutan na yung diskarteng ginawa ni Joe para yumaman.

After a year, naka sampong program na sya pero wala parin syang kita, at the end of the day, he concluded that making fortune online is all lies.

Kung ipinag patuloy lang sana yung unang inumpisahan nya, malamang lampas na sa 10,00 a month ang kinikita nya after a year.  


Ito ang madals na pagkaka mali ng mga bago at datihan na sa Online selling business. Gusto nila subukan lahat kahit dipa nila na aabot yung nauna nilang goal.

Walang mountaineer na kayang umakyat ng dalawang bundok at the same time. Kailangan nya munang maka summit sa isa, bago sya baba at para akyatin naman ang susunod na bundok.

Kung gusto mong kumita sa online buiness kailangan mag focus ka. Kahit ano pa naririnig or nababasa mo, isulat mo lang muna ang mga yun, para kapag na reach mo na yung first goal mo, isunod mo naman ang mga ito.


PAANO MAKA SURVIVE ANG IYONG NEGOSYO?


​4 . Don’t give up – There is no such easy money, maniwala ka.  Naiingit ka sa mga holdaper? Dimo ba alam na buhay nila ang isinusugal nila para makakuha sila ng ganun pera. Si Pacman, kalusugan at buhay nya ang itinataya nya.  Lotto kamo? Kung madali lang ang pera sa lotto di lahat sana tayo mayayaman na ngayon.

Maraming nag sasabi, madali lang kumita ng pera sa internet, hwag kang maniwala sinungaling ang mga yun. Bago sila kumita ng pera sa internet, kinailangan nilang umupo sa harap ng computer nila ng halos 16 hours a day

.

Siguro nga compare to other daily job, mas madaling kumita sa internet, compare sa mga OFW mas madaling kumita ng pera ang mga online marketers. Compare sa mga bank executive siguro nga mas madaling kumita ng pera ang mga online marketers. Pero di ibig sabihin pinupulot lang nila ito online. Pinag tratrabahuan din nila ito, pinag pupuyatan, at pinag iisipan.

Marami kasi sa mga baguhan kapag dina kumita after 1 t 2 months umaayaw na sila. Kasi ang mind set nila bago sila pumasok sa online business is madali lang kumita ng pera sa internet.

Kung gusto mong maging successful sa internet marketing,  huwag kang susuko. Kahit gaano pa kahirap abutin ang iyong goal basta mag focus ka lang at wag kang aayaw magugulat ka nalang isang araw naabot mo na ito.


Paano maging Expert sa negosyo


5. Become Expert – If you want to become successful in any field you need to become expert on that particular field, there is no exemption.  Gusto mong magtagumpay sa Online business? Then pag-aralan mo ito, maglaan ka ng maraming oras para pag – aralan ito. Wag lang dumepende kung ano ang sinasabi ng iba.


In my case, hindi ako natatakot mag expirement, kung ano ang nababasa ko gusto kong subukan kung totoo ba ito o hindi. Kung may naisip ako na sa palagay ko ay makakatulong para maabot ko ang aking mga goals sinusubukan ko. If I fail, then at least sinubukan ko. From that failure I will see to it na may natutunan ako. Wag kang matakot na subukan ang mga ideas mo, dahil ito ang mga ito ang maghahatid sayo sa tagumpay.


IN BUSINESS YOU SHOULD WORK SMART, NOT HARD.


6. Leverage – Don’t work hard, work smart.  Sabi ng iba kung gusto mong ma doble ang kita mo, you need to duplicate your self, At first diko maintindihan kung ano ang ibig nyan nun una. Until na malaman ko na  para ma duplicate mo ang sarili mo you need to teach someone else to do what you doing.

Ito ang dapat mong gamitin na principle kung papasok ka sa Online selling business, Para madoble ang kitain mo, kailangan mo mag train ng someone na gawin kung ano ang ginagawa mo para kumita ng malaking income.


Now kapag dalawa na kayo ang gumagawa na dating  ikaw lang ang gumagawa, syempre dahil dalawa na kayo mas malaki na ang puedeng mong kitain. At kung Gusto mo pang madag-dagan pa ang kita mo… so ang gagawin mo lang is mag train ulit ng tao para gawin kung ano ginagawa niyong dalawa.


Halimbawa, may isang kang Computer shop na kumikita  ng 5,000 pesos a month,  for sure alam mo na kung ano ang ginawa mo para kumita ka ng 5,000 a month.  Para kumita ka ng 10,000 a month kailangan mo pa ulit magtayo ng isa pang Computer shop at i-apply all the process you did sa una mong computer shop para kumita ng 5,000 a month. Kung gusto mo pang another 5,000 ulit, then do the same process. So ganun lang yun   ibig sabihin ng leverage


That's it ito yun mga dapat mong malaman para maging sucessful ka sa online selling business. I hope madami kang natutunan dito sa mga tips na binigay ko sayo.


Ang tanung ngayon gusto mo ba mag start ng sarili mong online business?

Kung 'YES' ang sagot mo meron kaming nakahandang FREE Video tuitorial about sa online selling at ito yun mga matututunan mo dito.


- Bakit madami ang kumikita ng malaki at yumayaman sa online selling business?


- bakit napaka in-demand ng Online selling business sa panahon ng pandemic?


- Paano ka makakapg umpisa sa napakaliit na puhunan?


- at marami pang iba.


Kung gusto mo magkaroon ng access sa FREE Video Tuitorial na ito. I Click mo lang sa ibaba yun link para maumpisahan mo agad yun video tuitorial.


bit.ly/Bussiness4you


Again thank you and God bless

No comments:

Post a Comment